Pinakamahalaga pa rin ang iba’t ibang uri ng kakayahan

KAMAKAILAN lamang ay naiulat na nagkaroon ng malaking bahagi ang Hukbong Dagat sa isang rescue and assistance at sea para sa barkong panturista, ang MV Azamara Quest.

Ayon sa ulat, ang nasabing barko ay nagkaroon ng sunog sa kanyang engine room sa Dagat Sulu. At sa tulong ng pinagsanib na puwersa ng Navy at Coast Guard ay agarang nabigyan ng tulong ang barko.

Partikular dito ay ang pagbigay ng security assistance and escort sa barko mula sa tatlong barko ng Navy habang kinukumpuni ng mga tripulante ng barko ang kanyang nasirang makina na siyang nagbigay-daan sa tuluyan at maayos na paglalakbay nito patungong Malaysia.

Makalipas ang dalawang araw, muling nagbigay-tulong ang Navy sa isa pang sasakyang dagat na sa pagkakataong ito ay isang yate na nasira at may lulan na namang mga dayuhang turista malapit sa Negros Oriental. Walang naiulat na nasaktan sa insidenteng ito at matagumpay na nailigtas ng Navy ang mga biktima.

Matatandaan na sa mga nakalipas na buwan ay naging instrumental ang Navy sa disaster response operations matapos ang lindol sa Negros at Cebu at bago ito ay sa bagyo sa Iligan at Cagayan de Oro.

Kitang-kita, mga katoto ko, na sa lahat ng mga insidenteng ito at sa pagresponde ng Navy ay may kakayanan itong tumugon sa iba’t ibang uri ng sakuna sa karagatan at baybaying dagat.

Subalit sa harap ng lahat ng ito ay hindi pa rin napababayaan ng Navy ang pagbantay sa ating malawak na karagatan laban sa mga masasamang loob na nais sumira sa kalikasan, katahimikan at integridad ng ating teritoryo sa karagatan.

Sa harap ng iba’t ibang mga pagkakataong nangangailangan ng presensya at pagresponde sa karagatan, makikitang napakalaki ng bahaging ginagampanan ng Navy, kasama ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan sa pangangalaga ng ating karagatan.

Dito sa papel na ito makikita ang kahalagahan ng isang Hukbong Dagat na magampanan ang kanyang mahalagang papel sa panahon ng katahimikan at sa kalamidad.

Kaya nga lang, hindi magagawa nang maayos at lubusan ang lahat ng ito kung wala pa rin ang suporta ng ating mga kababayan.

Kaya’t sa tulong ninyong lahat ay kayang-kaya ng Navy ang lahat nang ito!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply