Pinakamainit na klima sa Biyernes – PAGASA

AABOT sa 35-degree Celsius ang init ng panahon sa Metro Manila bukas, Biyernes Santo, Abril 6, ayon sa ulat kaninang umaga ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa kanilang alas-5:00 a.m. bulletin, sinabi ng PAGASA na ang Metro Manila ay makararanas ng mataas na temperature sa pagitan ng 24 at 34 degrees Celsius ngayong araw at maaaring umabot sa 35 degrees Celsius naman bukas, Biyernes Santo.

Sinabi ng PAGASA na isang high pressure area, na may kasamang maaraw at mainit na panahon ang eepekto na tatawid sa Northern Luzon.

Sa silangang bahagi naman ng bansa, sinabi ng PAGASA na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat.

“The whole country will experience partly cloudy to at times cloudy skies except for isolated rain showers or thunderstorms mostly over the eastern section,” pahayag ng PAGASA sa kanilang bulletin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply