Pinakamainit na panahon sa MM naitala kahapon

NAITALA kahapon (Abril 12) ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamainit na temperatura sa Maynila ngayon taon.

Batay sa ulat ng PAGASA, pumalo sa 35.3 degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila, pasado alas-3:00 kahapon.

Ayon pa sa PAGASA, asahan na magpapatuloy ang nararanasang mainit na panahon ngayong araw sa Metro Manila.

Samantala, ang Palawan at Mindanao naman ay makararanas ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply