Pinakamaraming bata na underweight naitala sa ARMM

INIULAT ngayon ng National Food and Nutrition Research Institute (NFNRI) na naitala nila ang pinakamaraming batang underweight sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) na  may edad limang taong gulang pababa.

Batay sa ginawang pagsasaliksik ng NFNRI umaabot sa 26.2 percent ng mga bata ang underweight sa ARMM, habang mahigit 25 percent naman ng populasyon ng mga bata ang kulang sa nutrisyon sa Eastern Visayas (25.7%) at Bicol (25.3%).

Sinusuri na ng naturang ahensya kung saang bahagi ng bansa mataas ang bilang ng mga batang underweight o kulang sa timbang at stunted o maliit sa kanilang edad.

Ayon kay NFNRI-Department of Science and Technology Director Dr. Mario Capanza, makatutulong ang ginawang pag-aaral para makabuo ng mga proyektong lalaban sa malnutrisyon.

Kasabay nito, maglilibot sila sa mga local government unit para ilatag ang resulta ng kanilang research na gagamiting basehan ng mga proyekto roon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply