Pinal na desisyon sa H. Luisita inilabas na ng SC

INILABAS na ngayon ng Suprme Court ang pinal na desisyon sa Hacienda Luisita ukol sa pamamahagi ng lupa nito sa mga benipisyaryong magsasaka.

Pinagtibay ng SC ang ruling noong Nobyembre 22, 2011 hinggil sa pamamahagi ng 4,915.75 hectares sugar plantation para sa 6,296 benipisyaryong magsasaka.

Sa bilang ng boto na 14-0, nanindigan ang kataas-taasang hukuman sa inisyal na resolusyon sa kaso dahil sa bigat ng mga argumento sa ginanap na oral argument noong 2010.

Sa kabilang dako, ayon naman kay SC Spokesman Midas Marquez, sa botong 8-6, napagpasyahan ng mga mahistrado na ipatupad ang valuation ng asyenda noong 1989 kung saan naiakyat ang usapin sa korte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply