Pinas abang lang sa NoKor missile launch

ABANG lang ang tanging magagawa ng Pilipinas sa nakaambang pagpapakawala ng North Korea ng satellite rocket sa kalawakan na hinihinala ng first world o fully develop countries na inter ballistic missile test launch sa linggong ito.

Mismong si Defense Secretary Voltaire Gazmin ang naghayag na patuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang counter parts partikular na sa United States of America.

Nabatid na nakadepende ngayon ang Pilipinas sa updates at monitoring ng US kung saan ay tinitiyak ng US Pacific Command,  base na rin sa pinakahuling pakikipag-ugnayan ni Gazmin kay PACOM Commander Swift na ibabahagi sa bansa ang kanilang monitoring hinggil sa posibleng flight ng pakakawalang rocket ng NOKOR.

Ito rin ang naging pahayag ni NDRRMC Executive Director BGen Benito na mahigpit na nakikipag-ugnayan ang gobyerno ng Pilipinas sa US at sa Japan para i-monitor ang mga development sa nakatakdang missile launch ng North Korea partikular sa mga nasabing petsa para makaiwas sa anumang sakuna sakali mang makalusot ang missile ng Nokor sa pag-intercept ng Japan Patriot missiles.

Magugunitang inihayag ng Defense Department na isa sa kanilang ikinatatakot ay ang posibleng pagpalpak nito dahil made in Korea ang rocket na ilulunsad ng Pyongyang.

Dahil  made in Korea ang paliliparaing rocket mas kailangan umano na maghanda ang Pilipinas sa anumang emergency situation na posibleng idulot ng paliliparing rocket sa kalawakan ng NoKor na hinihinalang pagtatakip lamang para sa kanilang ginagawang ballistic missile test.

Pinangangambahang magmamatigas ang Korea at itutuloy nito ang kanilang rocket launch base na rin sa mga kasaysayan kaya inihayag ng kalihim na “well we have done our part, the next thing that we should do when the launch is effected then we have to prepare for the emergencies that will happen just in case it lands, the debris will land into the land area of our territory.”

“Pag sumobra ng 190 degrees papasok sa ating land area so kinakailangan mag-ingat tayo at mag-prepare tayo ng kailangang gawin upang sa ganun maprotektahan tayo sa debris na babagsak, di bale kung debris na kasing lalaki lang ng ganito, e kung yung debris ay kasing lake ng kotse e di mahihirapan tayo, ayon pa sa kalihim.

Ito ang dahilan kaya magpapatupad ang Pilipinas ng No Fly Zone at No sail zone sa areas na maaaring daanan ng rocket ng Pyongyang.

Samantala, maging ang foreign ministers ng China, Japan at South Korea ay nakaalerto na rin sa mga kaganapan kaya nagsagawa sila ng diplomatic meeting sa Ningbo sa China, ilang araw bago ang inaasahang launching.

Dumalo sa pag-uusap sina Chinese Foreign Minister Yang Jiechi, Koichiro Gemba ng Japan at  Kim Sung-Hwan ng South Korea.

Matatandaan na nauna nang nagbabala ang Japan na may nakahanda na silang 100 Patriot missiles sakaling itululoy ng NoKor ang kanilang plano at nakahanda silang  papasabugin ang anumang rockets na papasok sa kanilang air space.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply