Pinas di dapat humingi ng go-signal sa China

KINASTIGO ng isang kongresista ang paghingi ng pahintulot ng Pilipinas sa Tsina para sa paghahain ng hamon sa pinagtatalunang teritoryo sa Scarborough shoal.

Ito ang tahasang sinabi ni House Assistant Majority Leader Sherwin Tugna (CIBAC Partylist) sa kabila nang kalmadong pagtugon ng Department of Foreign Affaris (DFA) sa pagpasok ng Tsina sa pinagtatalunang lugar.

“It is admirable that the DFA, led by its astute Sec. Albert del Rosario, has handled the Chinese intrusion calmly and well as a skilled diplomat would do. They have gone by the book all the way, alas, to no avail. The Chinese are still in our territory,” ani Tugna.

Magkagayunman, mabuti na lamang aniya at ipinalathala ni del Rosario ang imbitasyon ng DFA sa Tsina para resolbahin ang usapin sa International Tribunal on the Law of the Sea.

Iginiit ni Tugna na ang pagtanggi ng Tsina sa imbitasyon ay pagpapakita ng kawalan ng interes nito na maidaan sa legal na pamamaraan at resolusyon ang usapin.

Kaya hindi aniya kailangang humingi ng pahintulot ang Pilipinas sa Tsina sa isyu ng Scarborough shoal para ihain ito sa international tribunal dahil ang usapin ay ang soberenya ng bansa.

“It is only when islands are disputed that the other party needs to issue its consent for the tribunal to proceed. In the case of Scarborough , we are talking about territorial rights on a shoal that is well within our country’s 200-mile exclusive economic zone,” ani Tugna.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply