Pinas ‘di mag-aangkat ng bigas sa susunod na taon

TINIYAK ngayon ng pamunuan ng Department of Agriculture na sapat ang stock at hindi na kailangang mag-angkat ng bigas ang bansa simula sa susunod na taon.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Tony Fleta, halos 80% ng kanilang Rice Sufficiency Program ang naabot at mayroon na ring sapat na stock ng bigas hanggang sa matapos ang taon.

Nagtagumpay ang nasabing programa dahil sa ipinakitang suporta dito ni Agriculture Secretary Proceso Alcala.

Kasabay nito, ipinabatid ni Fleta na inatasan na ni Alcala ang pagpapatayo ng irrigation canals sa buong bansa upang makapag-ani ng palay ang mga magsasaka ng hanggang tatlong beses sa isang taon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply