Pinas handa sa worst case scenario vs China

HANDA ang Pilipinas kung mauwi man sa worst scenario ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa China.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sakaling komprontahin ng China ang flagship vessel ng Philippine Navy na BRP Gregorio del Pilar sa gitna ng standoff sa pagitan ng Phil Navy at Chinese vessels sa Scarborough Shoal sa South China Sea.

Ito ay makaraang mauwi sa deadlock ang pag-uusap kanina nina DFA Sec. Albert del Rosario at Chinese ambassador sa Pilipinas na si Ma Keqing at kapwa nanindigan sa kanilang claims sa nasabing teritoryo.

Sinabi nina DFA Sec. Del Rosario, Philippine Coast Guard (PCG) Vice Admiral Edmun Tan at Philippine Navy chief Vice Adm. Alexander Pama na handa nilang depensahan ang teritoryo ng bansa laban sa mga umaaangking bansa.

Una nang nagkagirian sa Scarborough Shoal ang dalawang grupo matapos mahuli ng Navy aircraft nitong Linggo ang iligal na pangingisda ng ilang Chinese nationals sa lugar.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply