Pinas idudulog na sa US ang Scarborough issue

IPINAHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na idudulog ng pamahalaang Pilipinas sa Amerika ang isyu sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Atty. Raul Hernandez na kasama ang isyu ng Scarborough sa agenda ng “2+2 meeting” na gaganapin sa Washington, USA na makakapulong nina Foreign Affairs Secretary Alberto del Rosario at Defense Secretary Voltaire Gazmin sina US Secretary of State Hillary Clinton at US Defense Secretary Leon Panetta.

Nais makialam ng US sa gusot dahil apektado ang iba pang kalapit na bansa sa isyu partikular ang negosyo at komersyo.

Umaasa naman si Hernandez, na hindi mamasamain ng China ang gagawing pagdulog ng Pilipinas sa Amerika.

“The 2+2 meeting has been there for a long time already, it was been planned. So we don’t think that should be considered as an aggravation to the situation in the Scarborough Shoal.” ani Hernandez.

Aminado ang DFA na mahirap ang gagawing negosasyon ng Pilipinas sa China dahil wala pa ring pumapalit kay dating Philippine Ambassador to China Domingo Lee.

Binanggit naman ni Hernandez na may napipisil ng bagong Philippine ambassador sa China si Sec. del Rosario ngunit hindi pa niya ito pinapangalanan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply