Pinas llamado pa rin sa China – Gringo

KAHIT malaking bansa ang China, nakatitiyak ang isang senador na llamado pa rin ang Pilipinas sakaling gusto talagang sakupin ng Beijing ang Scarborough Shoal at iba pang pinagtatalunang isla sa West Philippine Sea.

“Maliit man ang Pilipinas kontra sa China, nakapupuwing din ang ating bansa,” ayon kay Sen. Gregorio “Gringo” Honasan.

Sa tingin kasi ni Honasan, hindi pababayaan ng Estados Unidos at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang Pilipinas na basta na lamang isusuko ang nasabing teritoryo ng walang laban.

Kaya naman sa tantiya ng senador, vice-chairman din ng Senate committee on national defense and security, takot din ang China na sakupin na lamang basta ang inaangkin nilang teritoryo sa West Philippine Sea.

Binanggit din ng senador ang naging katapangan ng mga Pinoy laban sa mga mananakop na Kastila, Amerikano at Hapon kung saan dumanak ang dugo.

“Ang puwede nating ipanakot, based on our national security strategy and policy is ‘oh sige, puwede n’yo kaming sakupin pero katulad kayo ng ibang colonizers, mahihirapan kayo at duduguin kayo,” wika ni Honasan.

Kaya naman, naniniwala si Honasan na hindi giyera ang hanap ng China sa pinag-aagawang Spratlys Group of Islands, kundi ang maayos ito sa mapayapang solusyon.

Bukod sa China, naghahabol din sa nasabing teritoryo ang bansang Malaysia, Vietnam, Brunei at Taiwan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply