Pinas naghahanda pa rin sa rocket launch

MANANATILING nakaalerto ang pamahalaan sa kabila ng palpak na satellite launch ng North Korea kaninang umaga.

Ayon kay  Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio “Sonny” Coloma, magpapatuloy ang kanilang mahigpit na monitoring at ugnayan sa counterparts para makasiguro.

Mas mabuti na aniyang handa at hindi mabigla sakaling may developments sa Pyongyang.

Sa kabilang dako, binawi na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang ipinatupad na no-fly zone at fishing ban sa mga karagatang posibleng babagsakan ng debris ng rocket.

Sa ulat, hindi nakarating ng space kundi sa kalawakan pa lamang ng mundo ay nagkapira-piraso na ang satellite na inilunsad ng North Korea.

Sa nakuhang impormasyon ng Amerika, Japan at South Korea, hindi man lamang umano umabot sa first stage ang satellite nang agad na nagkapira-piraso.

Nagpahayag naman ang Pentagon sa sumablay nga ang rocket launch ng Hilagang Korea.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply