Pinas naghahanda sa pananakop ng banyaga

BILANG paghahanda at pananakop  ng Chinese fishing vessel sa Panatag Shoal, magdaraos ng Balikatan Exercises ang Pilipinas sa Estados Unidos sa susunod na linggo.

Kalahok sa Balikatan ang mahigit 2,000 sundalong Pinoy at nasa 4,500 sundalong Kano ang magsasanay sa karagatan.

Ilan sa mga pagsasanay ang isasagawa malapit sa West Philippine Sea na magsisimula sa Lunes, Abril 16 hanggang Abril 27.

Nitong Biyernes ng gabi, tuluyan nang humupa ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal kasunod ng pag-alis ng limang Chinese fishing vessels bitbit ang kanilang mga nahuling corals at pating gayundin ang isa pang Chinese maritime vessel sa naturang area.

Layunin ng Balikatan Exercises na palakasin ang puwersa ng Hukbong Sandatahan sa pananakop ng banyagang puwersa sa Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply