Pinay DH sa Hong Kong pisak sa dump truck

TODAS ang isang Filipina domestic helper sa Hong Kong matapos masagasaan ng 24-tonner na dump truck.

Nabatid na naglalakad sa daan ang Pinay kasama ang anim na taong gulang na batang babae na kanyang binabantayan patungo sa paaralan nang mangyari ang insidente.

Agad na binawian ng buhay ang biktima matapos sagasaan ng kanang gulong ng sasakyan ang katawan nito.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, hindi nakita ng drayber ang Pinay dahil sa napakalaking dump truck na minamaneho nito.

Matapos makapagbayad ng piyansa, nakalaya rin ang driver.

Kasalukuyan pang inaalam ng Philippine consulate ang pagkakakilanlan ng Pinay at ang tirahan nito sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply