Pinay out na sa The Voice

OUT na sa US reality talent search ang Filipino-American na si Cheesa Laureta.

Si Laureta ay napabilang sa bottom 3 kasama ang kagrupo na si Juliet Simms.

Inawit ni Simms ang hit song ni Nathalie Imbruglia na “Torn” habang hit song ni Kelly Clarkson na “Already Gone” ang kinanta ni Laureta.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng problema si Laureta sa low notes ng naturang kanta.

Mas pinili ng mentor na si Cee Lo na isalba si Simms.

Natanggal din ang isa pang contestant sa kompetisyon.

Samantala, sa American Idol Top 6, puspusan na ang paghahandang ginagawa ng Pinay na si Jessica Sanchez.

Bukas ng umaga (gabi sa Amerika) ang performance night kung saan aawitin nila ang mga kanta ng legendary group na Queen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply