Pinay proud na makapasok sa Top 10 ng ‘The Voice’ ng Amerika

PROUD na proud ang Filipino-American na si Cheesa Laureta matapos mapabilang sa Top 10 ng reality singing competition sa United States of America na “The Voice.”

Gayunman, kahit pa naligtas sila sa instant elimination kahapon (Abril 14, petsa sa Pilipinas) ay may pangamba pa ring matanggal ang Pinay singer.

Dalawa ang pauuwiin ngayon at hindi na nakasalalay sa mga hurado ang kapalaran ng mga contestant dahil ibabase ang resulta ng eliminasyon sa text votes.

Magugunitang umani ng standing ovation ang Pinay na ang mga magulang ay kapwa Pinoy, partikular na mula sa singing sensation na si Cristina Aguillera, nang awitin niya ang “I Have Nothing” ni Whitney Houston.

Si Cheesa ay isang nurse at ipinanganak sa Hawaii. Ang kanyang mga magulang ay tubong Maynila (ama) at Cebu (ina).

Kaya gaya ni Jessica Sanchez sa American Idol ay tulungan sana ng mga Pinoy sa Amerika si Cheesa.

Sina Jessica at Cheesa ay patunay lamang na maraming Pinoy ang mahusay sa larangan ng pag-awit at kayang sumikat sa mundo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply