Pinoy drug trafficker 17 taong kulong sa HK

LABING PITONG taon na pagkakabilanggo ang hatol sa isang Pinoy matapos mapatunayang guilty sa kasong drug trafficking sa Hong Kong.

Sa ulat, ang 43-anyos na Pinoy na hindi pinangalanan at nahuli noong 2011 ay binayaran ng isang international drug syndicate ng $3,000 para maghatid ng heroin sa Guangzhou mula sa Pilipinas.

Subalit na-intercept ito sa Hong Kong International Airport at nakuha sa suitcase nito ang 5.04 kilogram ng mixture ng heroin.

Ang mixture ay may 2.02 kilogram ng heroin na nagkakahalaga ng 3.4 million Hong Kong dollars o may katumbas na P16 milyon.

Aabot sana ng 26 na taon na pagkakakulong ang hatol sa Pinoy na nagtatrabaho bilang taxi driver sa Pilipinas at may anim na mga anak, subalit nag-plead guilty ito kaya ibinaba ang hatol sa 17 taon na pagkakakulong.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply