Chinese hackers binuweltahan ng Pinoy hackers

BINUWELTAHAN ng Anonymous Occupy Philippines ang nag-hack sa website ng University of the Philippines na nagpakilalang Chinese.

Noong nakaraang Biyernes, Abril 20, na-hack ang website ng state university at sinabi ng mga hacker na sila ay mula sa China at inaangkin ang Scarborough Shoal.

Upag makaganti, inatake ng nasabing Pinoy hackers ang maraming Chinese website.

Resbak ng Pinoy hackers, na sa pagmamay-ari ng Pilipinas ang Scarborough Shoal o Panatag Shoal at maging ang Spartly Islands.

Para naman kay Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez na hindi nakakatulong ang bangayan sa internet ng mga Pinoy at Chinese sa pagplantsa sa gusot ng dalawang bansa sa Scarborough Shoal.

Umapela rin ang Palasyo at Department of Foreign Affairs sa mga Pinoy at Chinese sa internet na magpakahinahon.

Samaatala, ayon sa Palasyo, ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang maprotektahan ang computer system sa bansa.

Sa ngayon ay naayos na rin ang website ng UP.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply