Pinoy nagnakaw ng ginto sa Dubai, kalaboso

ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang hinatulan ng anim na buwang pagkakakulong matapos mapatunayang nagnakaw ng 30 kilo ng ‘gold dust’ o alikabok ng ginto sa pinaglilingkurang tindahan ng mga alahas sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).

Sa report na nakarating sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang OFW sa inisyal na ‘RR’.

Sa ulat, ibinaba ang hatol laban sa 33-anyos na OFW noong Lunes ng Dubai Court of First Instance kung saan napatunayan na ninakaw ng akusado ang alikabok ng ginto na may halagang 4 milyong Durham o P4652M.

Ayon sa paglilitis, inabuso ng Pilipino ang kanyang posisyon bilang assistant technician ng jewelry store matapos itago nito sa dala-dalang lunchbox ang mga alikabok ng ginto nang hindi napansin ng kanyang mga kasamahan.

Nadiskubre lamang ang krimen nang magsagawa ng imbentaryo sa kanilang mga paninda ang tindahan.

Ayon naman sa ulat ng Gulf News, umamin ang OFW sa krimen subalit hindi sa sinasabing halaga ng ninakaw.

Sa kanyang depensa, inamin ng OFW na ninakaw niya ang nasabing gold dust subalit hindi ang pinaparatang na halaga.

Napag-alaman na ibinenta ng akusado ang gold dust sa isang alaherong Emirati.

Binigyan din ng korte ang OFW ng 15 araw upang iapela ang kaso.

Sinabi naman ng DFA na tinutulungan na ng embahada sa Dubai ang nasabing OFW upang iapela ang desisyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply