Piolo willing makatrabaho ni Gabby Concepcion

WALANG masamang tinapay kay Gabby Concepcion. Okey lang sa kanya na makatrabaho si Piolo Pascual!

Sa kabila ng break-up nina Piolo at ng anak ni Gabby na si KC Concepcion, walang nakikitang masama si Gabby kung makakasama niya sa isang project si Piolo.

“Dati ko pang… noon, noong wala pa sila ni KC, sabi ko it would be nice na gumawa kami ng… kasi nasa Star Magic din ako noon, meron akong idea na maganda sana na magsama-sama yung mga boys sa pelikula, sa Star Magic.

“Si Piolo, kasama si Diether Ocampo, may time na naging close kasi ako sa kanila e, sina John Lloyd (Cruz), si Coco (Martin),” umpisang pahayag ni Gabby nang makatsikahan namin siya sa presscon ng pelikulang “The Mommy Returns” ng Regal Entertainment Inc. na showing on May 9.

“Okay lang naman sa akin, trabaho lang e, walang personalan, di ba? Ang sa akin lang is yung project. Kung may project sana na puwedeng gawin na ganoon, at least yung kakaiba siya.”

Kaya niya na makaharap at makasama si Piolo sa kabila ng mga nangyari.

“Ano yan e, ang nangyari kasi sa kanila is personal, na kung anuman yung dahilan e wala naman tayo run. Ang akin lang nasaktan lang yung bata. But everybody goes through a relationship na nasasaktan ka. Sabi nga, you live and learn.

“After that, life goes on.”

Hindi siya nagalit?

“Well siyempre nagalit ako run sa kahit na sinong manakit sa anak ko, just like any parent would feel pag nasaktan ang anak nila.

“Pero iyon lang yun, walang personalan. Unang-una hindi ko naman siya kilala, hindi naman ako yung may karelasyon. It is a general feeling, bilang tatay.”

Anyway, bukod kay Gabby, lead stars rin ng pelikula sina Pokwang, John Lapus, Ruffa Gutierrez, Jillian Ward, Kiray Celis at si Miss Gloria Diaz.

Directed by Joel Lamangan and showing on May 9 sa mga sinehan, kasama rin sa pelikula sina Kerbie Zamora, Yaya Moi, Hiro Magalona at si Ervic Vijandre.

Tsuk!

oO0

BONNGA dahil nauna ang Star Awards for Movies sa pagpaparangal bilang Best Actor kina Aga Muhlach at Jeorge ‘ER’ Estregan. Si Angel Locsin naman ang best actress. Nasundan na ito ngayon ng PASADO AWARDS na pareho ang resulta.

Sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation naman ay nakuha pa rin nina Aga at Angel ang Film Actor and Actress of the Year para sa pelikulang In The Name of Love. Nakakuha naman si Laguna Governor ER Ejercito ng special award na Outstanding Government Service Award.

Pinag-uusapan naman ngayon kung bakit ibinigay kay Vice Ganda ay Phenomenal Box Office Star at napunta kay Derek Ramsay ang titulong Box Office King. Sina Anne Curtis and Cristine Reyes naman ang Box Office Queens. Bakit tinagurian naming Box-Office Tandem sina Vic Sotto and Ai Ai delas Alas?

Nakatsikahan namin ang Airtime Producer na si Tita Tess Celestino. Ayon sa paliwanag niya, first time sa history ng pelikulang Pilipino na tumabo sa takilya at nakapagtala ng pinakamataas na box-office returns na P331.61 million ang pelikula niyang Unkabogable Praybeyt Benjamin. Ito na raw ang simula na kailangang sundan at habulin ang pagiging Box Office Phenomenal Star ni Vice. Deserving daw si Vice na bigyan ng better at extra ordinary title.

Naging Box office Tandem naman sina Vic at Ai Ai dahil first time sa MMFF na nakapagtala ng gross na P237.88 mula December 25, 2011 hanggang sa pagtatapos ng festival noong January 7, 2012.

Bagamat umabot na ito ng 300 (million pesos) plus ang pelikula nilang ‘Enteng ng Ina Mo’ ay hindi raw umabot sa cut-off hanggang January 15.

Naging Box Office King si Derek dahil dalawang pelikula niyang ginawa last year ay nakakuha ng first two highest box-office returns– ang Unkabogable Praybeyt Benjamin at No Other Woman na umabot ng 280 (million pesos) plus.

Ang leading ladies naman ni Derek sa No Other Woman na sina Anne Curtis at Cristine Reyes ang itinanghal na Box-Office Queens.

Congrats!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply