Pipeline ng ginagawang resto sumabog, 3 sugatan

ISINUGOD sa ospital ang tatlong nasugatang manggagawa ng isang bagong restaurant sa Ortigas, Pasig City, matapos sumabog ang ginagawang gas pipeline kagabi (Abril 27).

Ang mga nasugtan ay kinilala na sina Ramil Guyo Mamato, Terry Roxas at Aldrin Talaala na nagtamo ng third degree burn sa katawan.

Ayon sa Pasig City Police, matatapos na sana ang mga biktima sa ginagawang gas pipeline nang biglang sumabog ang tubo na nagsusuplay ng  liquefied petroleum gas (LPG) sa magbubukas sanang Big Bird’s Chicken Inasal sa ground level ng Pacific Center Building.

Nasa ospital pa ang mga biktimang nasugatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply