Pistons tinambakan ng Miami, 98-75

ISA na namang star ang binuhay ng NBA sa katauhan ng player ng Miami Heat na si James Jones.

Ang pagbandera ni Jones ang dahilan kaya nagawa nilang matambakan ang Detroit Pistons, 98-75 kanina.

Ang iskor ni Jones na 18 at anim na 3-pointers ay sinamahan pa ng hinakot ni LeBron James na 26 na puntos, habang kumamada naman ng 22 puntos at siyam na rebounds si Chris Bosh.

Kitang nahirapan sa una si Fil-Am coach ng Miami na si Erick Spoelstra kung papaano ang gagawing rotation lalo na at nagpapakitang gilas din sa galing ang ibang players tulad ni Jones dahil na rin sa kawalan ng presensiya ni Dwayne Wade na 11 nang laro ang na-miss dahil sa injury.

Nasa 10 panalo at isang talo na ang Heat mula ng mawala si Wade kung saan nasa 18-1 sa huli nilang 19 na home games.

Dahil sa panalo ng Miami at overtime loss ng  Chicago sa New York ay nagbigay sa Heat ng record na 40-15 na dalawang laro ang kalamangan ng Bulls sa record na 43-14 para sa best record sa Eastern Conference.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply