Planong pagtatayo ng nuclear power plant sa Negros Occidental tinutulan

MARIING tinutulan ng Diocesan Action Center (DAC) ang planong pagtatayo ng nuclear power plant sa lalawigan ng Negros Occidental.

Ayon kay Dods Locsin ng DAC, plano na noon pang 1997 ang pagtatayo ng nuclear power plant sa lalawigan ngunit mahigpit itong tinutulan ng mga mamamayan kaya hindi natuloy.

Naniniwala naman ang Green Alert Negros, na delikado para sa mga tao ang planta-nukleyar.

Sinabi ng mga environmentalist na imbes planta-nukleyar ay mas mabuting idebelop ang renewable solar plant.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply