Planta ni Rep. Unabia nilooban: Guwardiya malubha

PATAWIRIN ngayon ang isang security guards na naka-detail sa isang planta ng mga dressed chicken na pagmamay-ari ni Misamis Oriental 1st District Rep. Peter Unabia sa Barangay Mohon, Tagoloan makaraang looban ito kaninang madaling araw.

Nakilala ang mga nabaril na guwardiya na sina Esperejun Balaod, na tinamaan sa tiyan at tumagos sa kanyang puwitan, habang nakilala ang nasa malubhang kondisyon na si Richard Abao na tinamaan ng bala sa kanyang ulo.

Nabatid na apat sa anim na mga suspek ang pumasok sa planta at nagkunwaring mga kostumer habang ang dalawa ay nagsilbing look-out na pawang mga armado ng kalibre .45, 9mm at .38 revolver.

Nang nasa loob na ng planta ang mga suspek ay agad nilang tinutukan ng baril ang mga security guard at tinangay ang tinatayang P133,000 na cash mula sa cashier.

Hinihinalang ang mga suspek ay responsible sa mga serye ng robbery hold-up sa lungsod ng Cagayan de Oro.
.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply