PNoy binatikos ng grupo ng kababaihan

KINONDENA ng Gabriela Partylist si Pangulong Aquino dahil sa pagsasabatas sa Anti-Vagrancy Law Amendment na lalo lang magpapabigat sa bitbitin ng kababaihan.

Sinabi ni Gabriela Partylist Rep. Emmi De Jesus, ang pagsasabatas ni Pangulong Aquino sa nasabing panukala ay kumpirmasyon lamang ng  kanyang paniniwala na ang kababaihang nagbebenta ng aliw ay mga kriminal.

“Samantalang hinahayaan niyang malaya at walang pananagutan ang mga taong kumikita sa kahirapan ng kababaihan,” ani De Jesus.

Naunang nanawagan na sina De Jesus at Gabriela Rep. Luz Ilagan sa Punong Ehekutibo na i-veto ang panukala dahil ito ay labag sa “Magna Carta of Women.”

Ang pagkokonsidera lamang anila sa kababaihang nasasadlak sa bentahan ng laman bilang mga kriminal ay malinaw na paglabag sa kanilang karapatan na protektahan mula sa pang-aabuso at karahasan na nila’y responsibilidad ng gobyerno.

Subalit ang obligasyon anilang ito ay inabandona ni Pangulong Aquino nang lagdaan at gawing batas ang panukala.

Ito ay pinagsamang bersyon ng Senate Bill 2726 at House Bill 4936 na pinamagatang An Act Decriminalizing Vagrancy, Amending for this Purpose Article 202 of Act ay nagtuturing sa lahat ng bagansya bilang krimen kabilang ang prostitusyon, ito ay nilagdaan ng pangulo noong March 7, 2012.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply