PNoy bumiyaheng Cambodia na

BUMIYAHE na pa-Cambodia si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kanina para sa kanyang pagdalo sa 20th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Cambodia na magsisimula bukas, Abril 3 hanggang 4.

Kabilang sa kasamang delegasyon ni PNoy sina Foreign Sec. Albert Del Rosario, Finance Sec. Cesar Purisima, Transportation and Communications Sec. Manuel Roxas III, Energy Sec. Jose Rene Almendras, Trade Sec. Gregory Domingo, Mindanao Development Authority chairperson Sec. Luwalhati Antonino, Social Welfare and Development Sec. Corazon Soliman at Presidential Spokesperson Edwin Lacierda.

Nauna namang kinumpirma na aabot sa P3.5-million ang magagastos ng Cambodia trip ng pangulo na gagamitin sa hotel accommodations, pagkain, transportasyon at gamit sa komunikasyon.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply