PNoy hinamong ibaba ang singil sa kuryente

IBABA ang singil sa kuryente.

Ito ang hamon ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano kay Pangulong Benigno Aquino kasabay ng isasagawang energy summit sa araw na ito sa Davao City.

Iginiit ni Mariano na hindi dapat hayaan ng pangulo na ang isyu ng suplay at singil sa koryente ang maging malaking kabiguan ng gobyerno nito.

Aniya, imoral at hindi makatwiran kung palalagpasin ng pangulo ang patong-patong na pagtataas ng singil sa koryente ng Meralco at National Power Corporation dahil hindi na ito kaya ng publiko.

Matatandaan na pinayagan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco na magtaas ng generation charge na magdudulot ng 33 centavos per kilowatt hour na taas sa singil sa koryente umpisa ngayong buwan.

Bukod dito, inaprubahan din ng ERC ang tax recovery adjustment charge na mekanismo para mabawi ng Meralco sa consumers ang mahigit 1.8 billion na franchise tax  na ibinayad nito sa Local Government Units (LGUs) mula 1994 hanggang 2004.

Nitong nakaraang buwan lamang ay pinayagan din ng ERC ang National Power Corporation o Napocor na magtaas ng singil sa pamamagitan ng generation rate adjustment mechanism o gram.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply