PNoy kontento sa kinalabasan ng inspeksyon

MAKARAANG personal na inusisa ni Pangulong Benigno Aquino III ang Pier 2 sa Port Area, Maynila upang alamin ang kahandaan ng transportation authorities ngayong Mahal na Araw ay nakontento naman siya sa kanyang nakita.

Ang pier ang unang binisita ni PNoy mula sa hanay ng mga lugar na binisita bago pa siya umalis ng bansa patungong Cambodia.

Maliban sa Port Area, pinuntahan din ng Punong Ehekutibo ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at bus terminals.

Sa Port Area, unang sinuri ng Pangulong Aquino ang  x-ray machines at ticketing booths, maging ang mga pasilidad para sa senior citizens at mga taong may kapansanan.

Matapos ito ay nakatanggap ang Chief Executive ng briefing mula sa port officials kaugnay sa safety measures na ginagamit nito.

Nauna rito, mas hinigpitan pa ang seguridad sa bus terminals sa mga lungsod ng Quezon at Pasay kaalinsabay ng pagbibigay babala sa mga pasahero laban sa mga magnanakaw, snatchers, manloloko at gang na pinapalitan ang mga bagahe ng mga pasahero ng kahon na walang laman kapag nalingat na ang mga ito.

Sa  Araneta Bus Terminal sa Quezon City, sinasabing dinagdagan ng 10 security personnel ang terminal dahil inaasahan na nila na bubuhos ang 6,000 hanggang 7,000 pasahero.

May nakahanda namang wheelchairs para sa senior citizens at help desks.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Araneta Bus Terminal operations officer Roland Tagle na inaasahan na nila ang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Mahal na Araw.

Samantala, ayon naman kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) head Benito Ramos na “”Kung masingitan tayo lalo kung may bomba yan malaking disgrasya yan. Kaya tutok ng pulis ang mga bus station. Bukod sa security agencies may nakaagapay na pulis.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply