PNoy mag-iinspeksyon sa NAIA bago tumulak pa-Cambodia

BAGO tumulak pa-Cambodia, magsasagawa ng inspeksyon si Pangulong Benigno “PNoy”Aquino III sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mamayang gabi.

Nais tiyakin ni Pangulong Aquino ang kaligtasan at mabilis na biyahe para sa mga mananakay patungo sa iba’t ibang lalawigan ngayong Semana Santa.

Makakasama ni Pangulong Aquino sa Cambodia ang pitong senior Cabinet officials para dumalo sa gaganaping 20th Association of Southeast Asian Nations – ASEAN Summit.

Kabilang dito sina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario; Finance Secretary Cesar Purisima; Trade Secretary Gregory Domingo; Social Welfare Secretary Dinky Soliman; Mindanao Development Authority Chair. Lualhati Antonino; Transportation Secretary Mar Roxas at Presidential spokesperson Edwin Lacierda.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, sasamantalahin na rin ni Pangulong Aquino na makasalamuha ang Filipino community sa naturang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply