PNoy mangunguna sa selebrasyon ng Araw ng Kagitingan

PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang ika-70 paggunita ng Araw ng Kagitingan sa dambana ng kagitingan, Pilar, Bataan, ngayong araw.

Nakatakdang mag-alay ng mga bulaklak si Pangulong Aquino na sasabayan ng pagpapatunog sa kampana ng isang beterano ng World War II at isang high school student.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, ginugunita tuwing Araw ng Kagitingan ang pagsuko ng may 75,000 Filipino at Amerikanong sundalo sa pamumuno ni Major General Edward King Jr. sa mga Hapon noong ika-9 ng Abril, 1942 matapos ang ilang araw na sagupaan.

Ang mga sumukong sundalo ay puwersahang isinama sa 97-kilometrong brutal na paglalakad mula Mariveles, Bataan hanggang Capas, Tarlac na tinawag na “death march” kung saan 10,000 sundalo ang namatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply