PNoy pinayuhang magpadala muna ng kinatawan sa China

IMINUNGKAHI ngayon ni Cagayan Rep. Jack Enrile kay Pangulong Benigno Aquino III na magpadala muna ng isang high level contingent sa China para makipagdayalogo sa isyu ng Scarborough Shoal.

Ayon sa mambabatas, makabubuti aniya ito habang nakabinbin pa ang appointment at confirmation ng bagong ambassador ng Pilipinas na ipadadala sa China.

Ipinaliwanag ni Enrile na mahalaga ang magiging papel ng ipadadalang contingent ng palasyo sa China para plantsahin ang stand-off sa pagitan ng Pilipinas at China matapos pumasok sa Panatag Shoal ang ilang Chinese fishing vessels.

Ang kailangan lamang aniya ay masiguro na may sapat na kakayahan at kasanayan sa pakikipagnegosasyon ang ipadadala ni Pangulong Aquino para matiyak na hindi mauuwi sa mas malalang sitwasyon ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply