PNoy sa media: Makiisa vs Scarborough issue

SA halip na negatibong balita ang pairalin, nakiusap si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mga mamamahayag sa bansa na makiisa na lang sa pagtatanggol sa Panatag Shoal o Scarborough Shoal.

Ito ang ipinahayag ni PNoy sa 16th National Press Forum kanina sa Pasay City na dinaluhan mismo ng publishers at opisyal ng broadcast organizations.

Anang Pangulo, iisang bangka lamang ang sinasakyan ng mga Filipino kaya dapat magkaisa sa pagsagwan sa harap ng ganitong pagsubok.

Nauna na ring naglabas ng sama ng loob ang Punong Ehekutibo sa ilang miyembro ng pamamahayag na mas binibigyan ng prioridad ang pagbabalita ng mga negatibo sa halip na pataasin pa ang morale ng bansa.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply