PNoy sinupalpal sa Mindanao power crisis

KINONTRA ng mismong kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III sa Senado ang posisyon ng chief executive na masosolusyunan ang problema ng power shortage sa Mindanao pero kailangan din nilang magbayad ng mas mataas na presyo ng kuryente.

Ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, hindi siya pabor sa posisyon ng gobyerno dahil mayroon pa namang ibang paraan para maresolba ang problema ng power shortage sa Mindanao na hindi kinakailangan ang pagtaas sa presyo ng kuryente.

“Hindi ako sang-ayon na yun lang ang solusyon, para sa akin may ibang solusyon na puwedeng gawin na hindi nangangahulugan ng pagtaas ng presyo,” diin ni Escudero.

Isa sa inirekomenda ng senador ay ang pagbili ng kuryente sa Malaysia na malapit lamang mula sa Tawi-Tawi.

Aniya, mayroon nang umiiral na kasunduan ang mga bansa sa ASEAN na magbilihan ng kuryente sa isa’t-isa.

Itinutulak ng gobyerno ang privatization ng Agus-Polangi hydroelectric power plant, pero ito’y tinututulan ng nakararaming residente at opisyal ng gobyero roon.

Sinabi ni Escudero na dapat ipaglaban ng gobyerno na huwag mapasakamay ng pribadong kumpanya ang Agus-Polangi power plant na nakapagbibigay ng mas murang kuryente sa Mindanaoan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply