PNoy tiwala pa rin kay MMDA chair Tolentino

NANANATILI ang kumpiyansa ni Pangulong Benigno Aquino III kay Metropolitan Manila Development Authority head Francis Tolentino kahit pumangatlo ang Pilipinas bilang “worst country” sa  pagmamaneho sa buong mundo.

Ito ang tugon ng Malakanyang sa kamakailan lamang

na isinagawang survey ng international news outfit Cable News Network.

Kaya ang apela ng Malakanyang sa mga motorista ay sundin ang tamang  traffic rules and regulations para maalis na ang Pilipinas sa ikatlong ranggo.

“We constantly appeal to follow proper traffic rules and regulations. The MMDA continues to try to look for more ways to improve traffic in Metro Manila,” ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte.

Tinukoy ni Usec. Valte ang survey ng CNNGo kung saan pumalo ang Pilipinas sa pangatlong ranggo sa listahan ng “worst countries to drive in.”

At sa tanong kung nagtitiwala pa rin si Pangulong Aquino kay MMDA head Tolentino ay “most definitely” ang naging tugon ni Usec. Valte.

Nauna rito, sinabi ni Tolentino na unfair na ikumpara ang trapiko ng Pilipinas sa ibang bansa lalo pa’t ang pangunahing kinukunsidera ay ang kultura, klima at temperatura.

Kaya nga kinuwestiyon ni Tolentino ang inilabas na survey ng CNN kaalinsabay ng pag-imbita rito na bumisita sa Maynila at personal na silipin ang driving conditions ng bansa.

Sa pagbansag sa Maynila bilang third worst city for driving, CNNGo.com, kapansin-pansin na mali ang interpretasyon nito sa kanilang inilabas na larawan na isang pampasaherong jeep na na-stuck dahil sa mataas na baha subalit pinagtulungan ng mga residente na maitulak upang maging maayos ang trapiko.

Bukod sa matinding trapiko, problema rin ng Pilipinas ayon sa report ng CNN ang polusyon, pagkolekta ng basura, flood control at seguridad.

Samantala, nangunguna naman ang Beijing (China) sa worst country para sa pagmamaneho na sinundan naman ng New Delhi (India).

Ang iba pang bansa na kasama sa listahan ay ang Mexico City, Mexico; Johannesburg, South Africa; Lagos, Nigeria; Sao Paolo, Brazil; Moscow, Russia; Toronto, Canada at Monaco.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply