PNP ‘out’ sa Senado, blue guards ‘in’

IKINAGULAT ng mga empleyado ng Senado ang pagharang ng ‘blue guards’ sa mga sasakyan na pumapasok sa bisinidad nito sa halip na miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Sa panayam kanina kay John Olson , Section Chief, Strategic Planning, Office of the Senate Sergeant At Arms (OSSAA), opisyal na nagsimula kahapon ang 16 blue guards sa Senado bilang katuwang ng OSSAA sa pangangalaga sa seguridad.

“Sinusubok namin kung magiging maganda ang resulta ng pagtatalaga sa blue guards at itutuloy-tuloy namin ang kontrata. Matatapos sa Disyembre 31 ng taong ito ang kontrata, ” ani Olson

Aniya, sumailalim sa bidding ang pagkuha sa blue guards mula sa 5 bidders at nasungkit ito ng Alexis Security Agency na pag-aari ng isang Rosemary Gabatan.

Ani Olson, mula sa 55 miyembro ng PNP na dating nakatalaga sa Senado, 13 na lamang ang nanatili rito.

Walang binabayaran ang Senado sa serbisyo ng PNP dahil ang Department of National Defense (DND) ang boluntaryong nagpadala nito.

Dahilan ni Olson kung bakit nagbawas sila ng PNP at pinalitan ng blue guards ay dahil nahihiya silang mag-utos sa mga ito kung sila ay may kailangan.

“Ang bulk ng duty ng blue guards ay sa Senate perimeter at parking lots lalo na mula

Lunes hanggang Huwebes na opisyal working days ng Senado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply