PNP: ‘Di magpapakalat ng secret marshalls

HINDI gagamit ng secret marshalls ang Philippine National Police para sa taunang Holy Week exodus.

Ito ang sinabi ni PNP spokesman Chief Superintendent Agrimero Cruz Jr., kaninang umaga at sa halip ay palalakasin na lamang nila ang police visibility para maiwasan ang krimen sa mga bus terminal, air at seaports at sa iba pang pampublikong lugar.

“Yung secret marshall kung puwede iwasan, hindi tayo magtatalaga. [Ang] disadvantage niyan, napakarami,” paliwanag ni Cruz.

Ang mga secret marshall na karaniwang naka-plain clothes police personnel na sumasakay sa mga pampublikong transportasyon, nagpapanggap na pasahero at kumikilos lamang kapag may nagdeklara ng holdap o may ikinasang banta sa ibang pasahero.

Sinabi ni Cruz na may tsansa na ang isang uniformed police personnel na rumesponde sa isang sitwasyon at ang isang secret marshall ay hindi magkakilala o hindi nagkaamuyan na magkakampi pala.

Samantala, nagsimula ang epekto ng taunang Holy Week exodus kagabi (Lunes Santo, Abril 2) nang dagsain ng mga tao ang bus terminals at airports at seaports para makasakay papunta sa kanilang probinsya.

Sinabi naman ng mga bus conductor na inaasahan nila na lalo pang dadagsa ang mga tao sa Miyerkules at Huwebes Santo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply