PNP-PRBS loan sinisindikato ng mga opisyal sa Crame

MISYON AKSYON, isa po ako sa nagserbisyo nang matagal sa hanay ng  kapulisan, at sa haba ng aking serbisyo, lahat ng klase ng pakikipagbuno sa lahat ng uri ng kriminal sa ating bansa at ibang uri ng problema ay nalampasan ko na.

Katunayan lahat ng klase ng parangal ay nakamit ko, pero itong idudulog kong problema ay higit pa sa mga kriminal ang kanilang uri.

Habang nakaduty po ako sa aming presinto ilang buwan lang ang lumipas, dumalaw ang mga ahente ng Police Retirement Benefits Service (PRBS) sa mga police district office at station at nagyabang na ibibigay nila agad ang mga benepisyo ng mga retiree, optional man at compulsory. Kaya marami ang naakit na magretiro sa serbisyo.

Sa madaling salita po ako ay naengganyo ng kanilang mga paliwanag. Kaya  nag-file po ako ng  aking retirement, kasi mabilis umano ang kanilang proseso at makakamit na ang pinaghirapan ko sa mahabang panahon.

Misyon Aksyon, ito ang katotohanan ng kanilang promotion. Indulto pala. Kasi pag oras na ikaw ay nag-submit sa kanilang opisina e roon na po pumapasok ang sakit ng iyong ulo dahil sa pambibitin nila ng retirement pay. Halos kada isang pulis ay P400K to P500K ang inaabot ng bawat nag lo-loan sa mga loan shark. P50K ang interest at 10% yan kada buwan. Bawat isang taon sa 5 buwan, P250k na tubo iyan na mawawala sa retiree. Kung may 100 tao sila, milyones ang kita nila kada buwan. Kawawa talaga ang mga retiree.

Kaya nadaya ang pangako sa administrasyon ni Gen. Bartolome.

Nakapagtataka naman talaga na laging for signature ang kanilang dahilan ng pagkaantala. Ibig sabihin, pirma na lang ang trabaho hindi pa nila magampanan? O sinasadya para kumita? Dahil kung hindi sinasadya bakit gusto nilang itambak sa isang opisina sa PRBS Camp Crame ang trabaho gayong pwede naman sa kanya-kanyang regional office gawin at ‘di magsiksikan sa isang napakaliit na opisina?

Ito po ba ang ipinangakong PNP transformation program ni Gen. Bartolome? Kaya siguro minsan nakapag-iisip nang hindi maganda ang mga sundalo at pulis retiree dahil ang pera na para sa pulis at AFP ay winawalanghiya ng mga matataas na opisyal.

Kaya nais naming makarating sa kinauukulang awtoridad ang anomalyang ito, lalo na kay C/PNP Bartolome. Bago pa sumabog ang galit ng mga kapulisan nakaaawa,

paki-aksyunan po ang problema ng mga nagugutom at nagigipit na mga retiree. Sana masilip ito ng mga congressman para maimbestigahan kung sino-sino ang mga kasama sa mga loan shark at namumuhunan dito na mga PNP official.

Paging PNP Chief Nicanor Bartolome,DILG Sec. Jesse Rebredo, Pangulong Pinoy…  mga sir, di po ba? Pakiimbistigahan naman po ang tanggapan ng  inyong  Police Retirement Benefits Service (PRBS) grabe po raw po ang  red tape sa nasabing tanggapanm kaya ang panawagan  po  ng mga kapulisan at kasundaluhan ay malalimang imbistigasyon kasi matataas na opsiyal ang mga kasankot umano kaya  namamayagpag ang sindikato sir. kawawa naman ang mga pobreng kapulisan at kasundaluhan. At kay PRBS director, Senior Supt. Virgil F. Bombita totoo po ba ang sumbong sa Misyon Aksyon

Bukas po ang aking kolum para sa  inyong panig at kapaliwagan.
NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA.
Cellphone Numbers: GLOBE-09165982736 SMART-09193628223
EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com,

www.tiradabalita.com,arnel_petil@yahoo.com,

arnelpetil12@gmail.comathttp://misyonaksyon.blogspot.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin na inyong dinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala dahilan para po ito sa bawat kapakanan ng bawat panig ng mga nagrereklamo at nirereklamo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply