Police checkpoints

UPANG maiwasan o kaya’y kahit paano mabawasan ang pang-aabuso ng pulisya tuwing nagsasagawa ng checkpoint ay naglabas si PNP Chief Nicanor Bartolome ng 10 Rules on Military/Police Checkpoints.

Bukod pa rito sinabi rin ni Bartolome, ‚Äú the PNP will strictly abide by the instruction of the Department of Justice to implement a ‚ÄúNO TINT‚ÄĚ or ‚ÄúCLEAR WINDOW‚ÄĚ policy among marked police vehicles in order to gain the trust and confidence of the citizenry. The move is also designated to prevent scalawags in uniform from using police cars¬† for their illicit activities or violating traffic regulations.‚ÄĚ Aba, gusto ko yung huli, VIOLATING TRAFFIC REGULATIONS.

Alam na kaya ng mga pulis ito? Pamilyar naman sa ating mga motorista ang ginagawang paglabag sa batas trapiko ng mga pulis kahit na wala namang car chase o hot pursuit na nagaganap. Ang pakiramdam nila’y above the law sila. Tuluyang nadadamay ang mga matitinong pulis at militar natin.

Sa mga walang kwentang pulis ay magbasa-basa naman kayo ng mga memorandum at circular sa inyong mga istasyon o tanggapan para naman magkaroon kayo ng kwenta kahit paano. Hindi yung puro kwenta na lang ng kotong ang iniintindi niyo.

10 Rules/Guidelines on Police & Military checkpoints:

–¬† Dapat may signboard na¬† ‚Äúcheckpoint‚ÄĚ, nakasuot ng uniporme ang pulis o militar, at sa gabi dapat ito‚Äôy may karampatang ilaw.

– Pag palapit na sa checkpoint ay patayin ang headlight at buksan ang ilaw sa loob ng sasakyan. Huwag bababa ng sasakyan.

– Siguraduhing naka-lock lahat ng pintuan ng sasakyan. Visual search lang ang puwedeng gawin ng mga awtoridad.

–¬† Huwag pumayag sa physical o body search.

– Huwag bubuksan ang kahit na anong compartment o mga kagamitan tulad ng bag.

– Sa mga pagtatanong ay sumagot lamang ng maayos. Maging magalang parati.

– Magandang alamin natin ang ating mga karapatan at iwasan rin ang pagkataranta.

РBukod sa valid driver’s license ay dalhin rin palagi ang rehistro ng sasakyan.

– Dapat laging handang gamitin ang cellular phone kung meron para sa anumang emergency o sakuna.

– Ireport agad kung mayroong pang aabusong naganap sa checkpoint.

Sa pinakahuling guideline, irerekomenda ko po na tumawag na lang kayo sa 117 para mag-report. Huwag pupunta sa pinakamalapit na police station o military camp dahil malamang ang pagsusumbungan ninyo ay kaibigan o kasama noong nang-abuso sa inyo. Suicide ika nga.

*****

Katatapos pa lang ng Manila International Auto Show ay may bago na namang mga sasakyan tayong makikita sa susunod na linggo. Sa Biyernes ay ilalabas ng Mazda Philippines ang kanilang bagong mga produkto sa media, ang CX-5 at Mazda 3.

Kasunod nito ay ang Mazda Expo na gaganapin sa NBC Tent sa Bonifacio Global City, Taguig sa Abril 21-22.

*****

Belated Happy Birthday kay Monette Bumgarner, Roland Hermoso ng Petron Greenhills, Pebbles Hernandez, at sa batikang manunulat na si Cito Beltran. Wishing you guys good health!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply