Polusyon sa Metro Manila bumaba

BUMABA ng halos 30 porsiyento ang polusyon sa Metro Manila.

Ito ang ipinagmalaki ni Environment Secretary Ramon Jesus Paje sa kanyang pangunguna sa selebrasyon ng Earth Day sa Ayala Triangle Garden sa Makati City.

Ibinida rin ni Paje ang 90 milyong seedlings na itinanim ng pamahalaan at target na 200 milyon sa susunod na taon, paniwala ng opisyal na isa sa dahilan ng pagbaba ng polusyon sa bansa.

Kasabay nito, nanawagan naman ang Malakanyang sa publiko na protektahan pa at ingatan ang kalikasan sa bansa.

Ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, makatutulong ang bawat Pinoy sa pag-iingat sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno  at pagtapon sa mga basura sa tamang lalagyan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply