Pondo ng nagigipit na OFWs ibinulsa ng OWWA

NANAWAGAN ang Migrante-Middle East sa Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) na busisin ang reklamo hinggil sa sinasabing pagkawala ng tulong pinansyal na ibinigay ng isang recruitment agency sa Maynila para sa mga sawing-palad na overseas Filipino workers (OFWs) sa Riyadh, Saudi Arabia.

Sa kanilang liham kay OWWA Administrator Carmelita Dimzon, sinabi ng Migrante na tumanggap sila ng impormasyon na umabot lamang sa kabuuang 2,000 Saudi Rials (SR) ang natanggap na tulong pinansyal ng 17 nagigipit na OFWs matapos magsagawa ng tigil-paggawa noong Nobyembre 2011 dahil sa hindi binabayaran ang kanilang sahod sa loob ng tatlong buwan, habang ang iba naman ay binawasan ng US$500 ang atrasadong sahod.

Kinilala ng Migrante ang mga balisang OFW na sina Valentino Malindas, Rene Magpale. Louiel Dacanay. Rufino Cabison, Norberto Mariposque, Tristram Serrantes, Plaridel Vargas,  Lowel Lastimosa, Saturnino Alojado, Alejandro Tendero, Sonny De Jesus, Noel Logenio, Loyd Canoy, Ian Malazarte, Jun Mar Ancheta, Ricky Tynacao at Andro Padillo.

Ang mga nasabing OFW ay ipinadala sa Riyadh, Saudi Arabia noong 2010 ng Osims Oriental Skills International Manpower Services Inc. upang magtrabaho bilang mga driver ng Al-Sabillah contruction and trucking company.

Nagsagawa ng isang case dialog ang mga kamag-anak ng OFW sa repatriation unit ng Philippine Overseas Employment Adminisration (POEA) noong Abril 12, kung saan kinumpirma ng recruitment agency na nagpadala sila ng tulong pinansyal para sa 10 nagigipit na manggagawa noong Pebrero 29, 2012 sa halagang US$800.

Kinumpirma naman ng isang nagngangalang Sallu Hussof, translator ng POLO-OWWA sa rehiyon ng Riydh na natanggap nito ang nasabing halaga.

Ayon pa sa Migrante, nagpadala muli ng US$1,000 ang recruitment agency noong Mrso bilang karagdagang tulong pinansyal sa mga nagigipit na OFW.
Sa kabuuan, umabot sa US$1,800 o katumbas ng 6,750 SR ang naibigay na tulong ng recruitment agency.

Gayunpaman, umabot lamang sa kabuuang 2,000 SR ang natanggap ng mga sawing-palad na OFW.

Ayon naman kay John Monterona, Migrante-ME regional coordinator, walang dahilan ang Philippine Labor and Welfate Officials sa Riyadh para pigilin ang paglalabas ng tulong pinansyal sa mga nagigipit na OFW dahil limang buwan nang walang trabaho ang mga ito habang dinidinig pa ang kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply