Pops Fernandez papagamit uli kay Martin Nievera

KUNG tagasubaybay kayo ng Martin and Pops tandem, na-witness n’yo naman siguro na matagal-tagal na ring panahong hindi sila nagkakasama sa isang project. Ang sabi kasi, nagsawa na si Pops sa pagiging anino na lang lagi ni Martin, nag-decide ang singer-actress na asikasuhin na lang ang kanyang On line business na may kinalaman sa pagde-design ng T-shirts at Bridal Gowns. Pero dahil mas malaki pa rin ang kita sa pagkanta, hayun sinunggaban uli ni Pops ang alok sa kanila ni Martin na magsama uli sa gagawing series of shows sa bansang Amerika at Canada. Halos one month ring magkakasama roon ang dating mag-dyowa ha? Well, ibig sabihin pumayag na uling pagamit ang Concert Queen sa ama ng kanyang mga anak na ’till now ay napaka-in-demand pa rin sa rami ng show. Yes, say pa ng manager ni Dinagat Islands Gov. Jade Ecleo na si Ma’am Emeellee Mercado, fully booked na raw hanggang end of this year si Martin kaya wala ng maibigay sa kanilang sked ang Concert King.

Interesado pa namang kunin ito ni Madam Emeellee para gawing guest sa malaking concert na ipo-produce nito kay Gov. Jade.

So without Pops pala ay mabenta pa rin itong si Papa Martin. Very sad naman ito sa part ni Pipay, na kapag nag-solo ay flopsina ang concert. Trulalats gyud!

***

Eat Bulaga Dabarkads Show Sa San Francisco Dinumog Ng Ating Mga Kababayan At Foreigners

Nakita namin sa facebook account ng Eat Bulaga kung papano dinumog ang EB Dabarkads natin sa kanilang show sa Cow Palace sa San Francisco, California last March 31. Halos kumpletong dumating ang buong tropa na pinanguna- han ng magkapatid na Bossing Vic Sotto, Sen. Tito Sotto, Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Julia Clarete, Anjo Yllana, Pauleen Luna, Ruby Rodrguez, Paolo Ballesteros at EB Babes. Kahit sa Sanfo ang tindi ng dating ng wacky dou na sina Wally at Jose na sikat na sikat pala roon.

Ang tindi ng tilian sa audience nang magpakwela na ang dalawa sa song interpretation nila ng signature song ni Kaka Freddie Aguilar na Anak. Sinundan naman ito ng bonggang dance number ng EB female hosts na sina Julia, Pauleen at Ruby at ang pinaka-highlight ng said number ay ang paglabas ni Paolo Ballesteros na naka-gown at in-impersonate si Shamcey Supsup.

In fairness, mas maganda pa ito kay Shamcey na talagang hinangaan ng mga boys. At siyempre, para maging kumple -to at lalong mag-enjoy ang audience, nagsagawa ng Pinoy Henyo sina Bossing at Sen. Tito kung saan this time ang mga kababayan natin at mga foreigner ang sumisigaw ng OO, Hindi at Pwede sa salitang pinahuhulaan. At dahil forever Eat Bulaga rin ang lahat ng mga naroroon specially ‘yung contestant, aware na aware sila sa Pambansang laro ng bayan na Pinoy Henyo. Hayun at hindi inabot ng isang minuto ay nasagot ang pinahuhulaang salita at ang premyo, dolyares siyempre. Si Allan K naman hindi rin nagpakabog sa kanyang Visayan jokes at pinauso nitong spoof ng Miss Universe. Naging very touching naman ang sumunod na eksena ng binigyan nang papuri at parangal nina Bossing, Jose at Wally ang pinakamatandang audience sa crowd.

Ang edad nito ay 96 yrs. old na masaya at napaluha nang makita ang mga idolo. Si Bossing at mga co-Dabarkads talagang pinagkaguluhan ng mga crowd sa picture taking at walang nagawa ang mga foreigner na security kundi pagbigyan ang fans ng EB Dabarkads na gustong magkaroon ng souvenir sa mga ito. Isang malaking achievement na naman ito para sa programa na napasaya nila ang kanilang mga tagahanga sa San Fransisco.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply