Power summit binatikos ng Mindanao bishops

BINATIKOS ng Mindanao Bishops ang naging resulta ng power summit na isinagawa sa Davao City na dinaluhan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III at iba’t ibang stakeholders.

Itinuturing nina Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez at Apostolic Vicariate of Jolo Bishop Angelito Lampon na masama ang naging pahayag ni Pangulong Aquino na kailangang magbayad ng mga taga-Mindanao ng mahal na singil sa kuryente kung nais nilang magkaroon ng stable na power supply sa buong rehiyon.

Ayon kay Gutierrez, hindi makatarungang ipapasan ni Pangulong Aquino sa taga-Mindanao ang mataas na power rates na resulta ng kapabayaan ng mga opisyal ng gobyerno.

Sinabi naman ni Lampon na pinipilit silang mga taga-Mindanao ng Pangulong Aquino na tanggapin na lamang ang katotohanang kailangang taasan ang singil sa kuryente sa rehiyon.

Inihayag ni Lampon na ang pahayag ni Pangulong Aquino ay pagpapatunay lamang sa kapabayaan at kawalan ng “insight” ng gobyerno sa power crisis sa Mindanao.

Naniniwala rin si Lampon na maraming alternatibong paraan na dapat gawin ang gobyerno tulad ng paggawa ng mga hydro-power plant at pagpapaunlad sa renewable energy sa Mindanao sa halip na pahirapan ang mamamayan.

Nilinaw pa ni Lampon na ang mithiin ng power summit ay hindi natugunan o nakamit dahil mas naging mabigat na problema ang naging resulta na papasanin ng mga mamamayan sa Mindanao.

Mahigpit ding tinututulan ng mga panukalang mag-develop ng mga nuclear power plant at biomass sa rehiyon ng Mindanao para matugunan ang power crisis.

Mungkahi naman ni Gutierrez sa pangulo na magdasal at pag-aralang mabuti ang iba’t ibang alternatibong pagkukunan ng enerhiya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply