Power watch paiiralin sa Mindanao – PNoy

MISMONG si Pangulong Noynoy Aquino ang nag-utos ng pagbuo ng Mindanao Power Monitoring Committee bilang sagot sa power crisis sa rehiyon.

Layon ng komite na bantayan ang singil sa koryente sa Mindanao nang walang magsasamantala.

Ayon kay PNoy, pangungunahan ng Mindanao Development Authority (MinDa), kabilang ang mga kinatawan ng Department of Energy (DoE), National Power Corporation, National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), civil society, electric cooperatives at business sector.

Maliban dito, wala pang malinaw na approval ang Pangulo sa mga rekomendasyong nabuo sa energy summit.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply