PRC online application inilunsad ngayon

INILUNSAD na ngayon ng Professional Regulation Commission (PRC) ang kanilang online application system matapos ang matagumpay na pilot testing.

Sinabi ng chairperson ng PRC na si Teresita Manazala, na simula ngayon ay puwede nang mag-apply online para sa license examination kahit saang lugar pa sila naroroon.

Nabatid na ang programa ay bahagi ng decentralization ng kanilang licensure examination and registration information system (LERIS).

Umaasa ang PRC na malaki ang maitutulong ng nasabing programa upang mapabuti ang kanilang serbisyo lalo na sa mga aplikante para sa nursing, teachers at criminologists licensure examinations.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply