Presidente ng asosasyon utas sa pamamaril

PATAY agad ang isang presidente ng home owners association matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang naglalakad sa isang eskinita kaninang hapon sa Tonsuya, Malabon City.

Dead on the spot sanhi ng dalawang tama ng punglo ng 9mm caliber sa ulo at batok si Eduardo Alvares, 52,  presidente ng Flovi Homes, Phase 6 Association at residente sa nasabing lugar.

Sa ulat, ala-1:30 kanina nang pagbabarilin ang biktima habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply