Preso ginawaran ng kamatayan sa bilangguan

KAMATAYAN ang sinapit ng isang bilanggo na nakakulong sa lock up cell ng Aglipay Police station sa Aglipay, Quirino province matapos barilin ng pulis na nagtangkang umawat sa kanyang pagtakas.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang napatay na inmate na si Jerry Tayabang, matapos mabaril ni PO1 Roel Alias, makaraang magtangkang tumakas.

Nabatid na unang dinakip at ikinulong si Tayabang sa lock-up cell ng PNP Aglipay dahil sa pananaksak sa ama bago ang Semana Santa.

Nakalabas ng kanyang kulungan si Tayabang matapos sirain ang lock ng kanyang piitan.

Tinangka umano itong pigilan ni PO1 Alias subalit kumuha ng kahoy si Tayabang at sinugod ang pulis.

Nag-warning shot ang pulis subalit sumugod pa rin ang bilanggo kaya bilang pagdepensa sa sarili ay inasinta ng pulis ang binti ni Tayabang.

Ayon kay P/Sr. Supt. Domingo Lucas, provincial director ng Quirino Police Provincial Office (QPPO), naisugod sa ospital si Tayabang ngunit maraming dugo ang lumabas sa ugat sa kanyang binti na tinamaan ng bala kaya siya namatay.

Ayon pa kay Sr. Supt. Lucas, may kaunting diperesenya sa pag-iisip si Tayabang kaya hindi nasindak sa warning shot ng pulis.

Isinailalim sa restrictive custody ng QPPO si PO1 Rowel Alias habang isinasagawa ang malalimang imbestigasyon sa pangyayari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply