Preso utas sa jail officer sa Negros Occidental

PATAY ang isang preso nang mabaril ng jail officer sa Negros Occidental, sa ulat ng pulisya.

Tama ng bala sa tiyan at bibig ang agad na ikinamatay ni Albert Cordova, 30, ng La Castellana, may kasong murder noong 2003.

Sa imbestigasyon, alas-10:00 kaninang umaga nang maganap ang insidente sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ginupitan ng buhok ang lahat ng mga inmate bilang bahagi ng programa sa naturang kulungan na kinabibilangan ng biktima nang basta na lang itong nagtungo sa kusina at kumuha ng itak.

Nang makita si Jail Officer 2 Fernando Tamon ay agad niya itong tinaga na tinamaan sa kamay dahilan para barilin siya ng suspek.

Lumalabas na may sakit sa pag-iisip ang biktima na pinaniniwalaang sinumpong nang maganap ang krimen.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply