Presyo ng bulaklak inaasahang tataas sa Sabado, Linggo

INAASAHAN nang itataas ang presyo ng bulaklak sa Sabado at Linggo ngayong Semana Santa.

Ayon sa flower vendors sa Baguio City Public Market gayundin ang mga flower shop owners, normal nang tumataas ang presyuhan sa mga bulaklak tuwing kwaresma dahil sa pagtaas ng pangangailangan nito.

Bukas naman ang mga tindera na sasamantalahin nila ang nasabing pagkakataon para makabawi sa mababang kita sa mga nagdaang buwan.

Sa ngayon ay normal pa ang presyuhan sa bulaklak na umaabot pa lamang sa P50 bawat dosena ang rosas, P70 ang anthurium , habang P40 at P20 naman ang medium at small;  ang Malaysian mums ay aabot sa P60 per bundle, calla lily ay P15 at P12 naman sa asters.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply