Presyo ng gulay tataas ng P5 hanggang P10

ASAHAN na ang pagsirit sa presyo ng gulay sa P5 hanggang P10 sa pamilihan ngayong Holy Week.

Ang price hike ay kinumpirma ni Trade and Industry Undersecretary Zeny Maglaya, dahil na rin sa kakulangan ng suplay ngayong Semana Santa.

Bilang isang Kristyanong bansa, kadalasan ay nagtitika at umiiwas sa pagkain ng karne ang mga Filipino dahil sa nakagisnang kultura tuwing Holy Week.

Ani Maglaya tataas ng P5-P10 ang ilang gulay gaya ng carrots, kamatis, sibuyas, patatas at talong.

Hindi naman gagalaw ang presyo ng isda sa pamilihan, kaya magiging abot-kaya pa rin ito ngayong Mahal na Araw.

Tilapia ang pinakamurang isda na mabibili lamang sa P90 kada kilo.

Wala ring price hike sa bigas, baka, manok at baboy.

Nagpayo naman si Maglaya sa mga mamimili ng “loaf bread” na tiyakin na hindi pa expired.

Pinayuhan din ni Maglaya ang mga manininda na dapat maayos ang storage ng mga tinapay, upang maiwasan ang maagang pagkasira nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply