Presyo ng langis bababa sa susunod na linggo– DOE

IPINAHAYAG ngayon ng Department of Energy (DOE) may posibilidad na bumaba ang presyo ng langis hanggang sa susunod na linggo.

Ayon kay Energy Director Zenaida Monsada, ito ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng langis base na rin sa kalakalan sa merkado sa nakalipas na tatlong araw.

Lumalabas sa pagsusuma ng DOE na 50 sentimos ang posibleng maibawas sa presyo ng produktong petrolyo

Sinabi ni Monsada na unti-unti nang nakikipag-usap ang Iran na siyang dahilan nang pagbaba ng halaga ng langis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply